Karapatang-sipi - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Karapatang-sipi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang karapatang-sipi (Ingles: copyright) ay isang koleksiyon ng mga karapatang eksklusibo na ibinibigay ng mga pamahalaan sa pagwasto ng isang partikular na ekspresyon ng isang idea o impormasyon. Sa pinaka-heneral, ito ay, sa katuturang literal, "ang karapatan para kumopya" ng isang gawaing orihinal. Sa mga nakararaming kaso, itong mga karapatan ay mayrong takdang-panahon. Ang simbolo ng karapatang-ari ay ang ©.

Ang karapatang-ari o copyright ay ang legal na karapatan ng mga may akda, manunulat, pintor, mang-aawit at ibat ibang talento na nagbibigay sa kanila ng natatanging karapatang makapaggawa ng panibagong sipi ng isahan o maramihan, makapagpamahagi ng sipi maging ito man ay pangkalakalan (commercial) o hindi, sa iba't-ibang kaparaan.

Sa iba't-ibang pagkakataon ang paggamit ng thumbnail ay itinuturing na patas na paggamit (fair use), gayumpaman iminumungkahing manghinggi ng permiso bago gamitin ang mga bagay na hindi pagaari.

May mga bagay na hindi nabibigyan ng karapatang-sipi o uncopyrightable. Ito ay tumutukoy sa ibat ibang bagay na nakalaan sa pampublikong gamit o dominyo. Mas lalong kilala ito bilang "Public Domain".

Ilan sa mga bagay na karapatang-siping di maari ay mga bagay na likha ng estado, o bagay na binayaran ang pagkakalikha gamit ang kaban ng bayan.

Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.